S U P O R T A
Buklatin lamang ang bawat
pahina upang mabasa ang
nilalaman ng suporta.
Filipino Romance
Novel
LISTAHAN NG NILALAMAN:
1. Contact Us
2. Ang kwento ng FRN
3. Patakaran ng FRN ukol sa nilalaman
4. Sundan Kami
5. Online Romance Alliance
CONTACT US: Maaari mo kaming maabot o makontak sa aming e-mail at ibahagi sa iba ang aming mga website link
FRN E-MAIL
filipinoromancenovel_yahoo.com
FRN MAIN WEBSITE
http://www.filipinoromancenovelfrn.com
FRN WORDPRESS
http://frnovel.wordpress.com
FRN FORUM
http://frnovel.forumotion.net
FRN CHICKACHAT
http://frnovel.chatango.com
Ang Kuwento ng FRN
Ang Filipino Romance Novel ay sinimulan noong Abril, ngunit nabuksan sa publiko nitong Mayo 2009. Ginawa ang site na ito sa pag-asang makatulong sa mga manunulat na mga hindi nabigyan ng pagkakataon na mailathala ang kanilang nobela sa publiko.
Sa una ay talagang nahirapan ang mga staff sa pagbuo ng website, sapagkat halos lahat ng aming nagawa ay may mga kapuna-puna at hindi namin halos maremedyuhan. Ngunit sa tulong ng mga kaibigan at kamag-anak ay nabigyan ng pangalan ang aming website. Ito nga ay ang Filipino Romance Novel a.k.a. FRN.
Ang FRN ay bago, sa maliit na paraan, at sana ay palarin sa malaking paraan, sa loob ng mga taon. Nakakalap kami ng kaunting pondo (ngunit nanatiling maliit). Ngunit umaasa po kaming lalaki rin ang aming koponan sa online novel na tumututok sa pagtulong sa mga tao na magkaroon ng sarili nilang tinig sa web at isaayos ang impormasyon ng mundo sa personal na adhikain. Na halos sa yun din naman ang ginagawa namin mula't sapol.
Patakaran ng FRN ukol sa Nilalaman
Ang Filipino Romance Novel a.k.a. FRN ay isang libreng serbisyo para sa pakikipag-usap, pagpapahiwatig ng sarili, at kalayaan sa pagsusulat ng nobela. Naniniwala kami na nakakadagdag ang FRN sa kakayahang makakuha ng impormasyon, hinihimok nito ang malusog na kaisipan, at nagbibigay-daan upang magkaroon ng mga bagong ugnayan sa pagitan ng mga tao.
Ginagalang namin ang pagmamay-ari at pananagutan ng mga gumagamit para sa nilalaman na pinagpasyahan nilang ipamahagi. Naniniwala kami na ang pag-sensor ng nilalamang ito ay salungat sa isang serbisyo na bumabatay sa kalaayan sa pagpapahayag.
Upang mapanindigan ang mga mahahalagang katangiang ito, kailangan naming supilin ang mga pang-aabuso na nagbabanta sa aming kakayahan na maidulot ang serbisyong ito at sa kalayaan sa pagpapahayag na hinihikayat nito. Sanhi nito, mayroong ilang mga hangganan ukol sa uri ng nilalaman na maaaring mai-host sa FRN. Ang mga hangganan na aming tinukoy ang siyang mga sumusunod sa mga itinatakda ng batas at ang siyang mga nagpapabuti sa serbisyo sa kabuuan.
NILALAMANG MAY POOT: Ang mga gumagamit ay hindi maaaring mag-publish ng materyal na nagsusulong ng poot sa mga pangkat batay sa lahi o pinagmulang etniko, relihiyon, kapansanan, kasarian, edad, katayuan bilang beterano, at kinikilingan/kinikilalang kasarian.
NILALAMANG MARAHAS: Ang mga gumagamit ay hindi maaaring mag-publish ng mga direktang banta ng karahasan laban sa sinumang tao o pangkat ng mga tao.
COPYRIGHT: Patakaran naming sumagot sa mga malinaw na abiso ng mga di-umano'y paglabag sa copyright. May karagdagang impormasyon ukol sa aming mga pamamaraan sa karapatang-kopya ang matatagpuan dito.
PRIBADO AT KUMPEDENSYAL NA IMPORMASYON: Hindi namin pinapayagan ang hindi-awtorisadong pag-publish ng mga pribado at kumpedensyal na impormasyon ng mga tao, tulad ng mga numero ng credit card, mga Numero sa Social Security, at mga numero ng driver's license at iba pa.
PAGPAPANGGAP: Hindi namin pinapayagan ang pagpapanggap ng ibang tao sa pamamagitan ng aming mga serbisyo sa isang paraan na naglalayong makapanlito o talagang nakakalito sa ibang tao.
LABAG SA BATAS NA PAGGAMIT NG MGA SERBISYO: Ang aming mga produkto at serbisyo ay hindi dapat gamitin para sa mga layuning labag sa batas o para sa pagsulong ng mga mapanganib at iligal na aktibidad. Ang iyong account ay maaaring wakasan at maaari kang iulat sa mga naaangkop na awtoridad.
SPAM, MGA NAKAHAHAMAK NA CODE AT VIRUS: Hindi namin pinapayagan ang spamming o ang pagpapadala ng mga malware at virus.
SUNDAN KAMI: Maaari mo kaming i-add sa Friendster, Myspace, Facebook at Plurk
ONLINE ROMANCE ALLIANCE: Sinusuportahan po namin ang iba pang nobelista na nagmamay ari rin ng online romance novel.
Copyright © 2009-2010 Filipino Romance Novel FRN All rights reserved.