MANUNULAT
BUDJOY
http://budjoy.wordpress.com
1.Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?
Creative, Friendly, Moody, Makulit, Masungit,
2. May mga bagay ka bang parating ginagawa sa iyong pagsusulat?
Kumakain at may kasamang nood na rin ng mga palabas sa online.
3. Ano ang dahilan at naisipan mong magsulat ng nobela?
Makapag share ng mga bagay na naiisip ko sa mga taong adik rin sa mga love story.
4. Saan mo nakukuha ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat? Galing ba ito sa sarili mong karanasan?
Sa mga taong nakakasalamuha ko.
5. Ano ang mga proseso ng iyong pagsusulat at saan mo nakukuha iyon? Gaano mo rin ba ito natatapos? (umaabot na ito ng taon, buwan , o linggo?)
Iba-iba, depende sa mood ko. Kapag sinipag mabilis ako. Pag medyo tinatamad super bagay ko at walang natatapos.
6. Nagsusulat ka ba ng isahan o maramihang nobela?
Maramihan, kaya napagpapalit palit ko yung mga scene dahil sa kalituhan.
7. Sino ang paborito mong manunulat? At ano ang masasabi mo, may pagkakapareho ba kayo?
Masyadong marami author ang gusto ko. Wala kaming pagkakapareho kasi yung akin masyadong hindi pulido at saka yung story nila pang best selling na talaga. Ako nasa trainning ground lang.
8. Paano mo nalalagpasan ang writers block?
Pahinga tapos gala para makakuha ng inspiration.
9. Ano ang pwede mong ipayo sa mga amateur o nagbabalak pa lamang magsimulang magsulat ng kanilang nobela?
Magsulat sila ng magsulat at ibahagi sa mga taong mahilig magbasa ng romance novel. Huwag silang ma-down kapag nakarinig sila ng pula. Tandaan niyo na nakikibasa lang sila at ang ginawa mong nobela ay hindi kayang gawin ng iba. Kung baga kanya-kanyang trip lang di ba?
10. Masaya ka ba na nakalathala ang naisulat mo ng nobela sa FRN o hindi?
Oo, kasi nakakapag share ako ng nobela ko kahit nahindi ako profesional ang pagkakagawa ko meron pa ring tumatangkilik. Thanks sa FRN!
Ces Adriano
http://chu03.wordpress.com
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?
Wala naman po akong masyadong maibabahagi sa inyo tungkol sa aking sarili maliban na lamang na ako'y isang simpleng tao na nais ipahayag ang damdamin at saloobin sa pagsusulat. Hindi po kasi ako mabokang tao ngunit ako naman po ay palakaibigan, kaya sa pagsusulat ko lamang po madalas naipahahayag ang aking damdamin. Marahil ang magandang bagay na masasabi ko sa aking sarili ay pagkahilig kong magtravel sa iba't-ibang lugar at makakilala at makasalamuha ang iba't-ibang tao.
Opo, madalas nakikinig ako ng musika at nanood ng tv o dvd at marami akong napapanigipan. Sa panaginip nakabubuo ako ng mga lugar, tauhan at mga pangyayari. kaya naiisip kong bumuo ng kuwento tungkol doon.
Bata pa lamang ako ay mahilig na po akong magkuwento dahil na rin sa mga nababasa kong fairy tales. Mahilig kasi ako noon sa fairy tales at palagi kaming binibilhan ng aming mga magulang ng aklat tungkol sa fairy tales. Kaya noong highschool nakagawa ako ng aking kauna-unahang script at novelang tagalog. Ipinalabas naman namin sa aming klase iyong ginawa kong script tungkol sa adventure.
Madalas po sa aking pagbabasa, sa panonood, sa panaginip at sa kagustuhan ko na ring magkuwento ng mga bagay-bagay.
Hilig ko lamang po talagang bumuo ng mga istorya dahil na rin po sa na-inspire ako sa mga nababasa ko o napanonood lalo na kapag adventure, fantasy at love story.
Kapag may naiisip po akong isang ideya galing sa aking napanood o kahit narinig o nabasa o napanaginipan ay sisimulan ko na pong buuhin ito sa aking isipan. Ang tema at framework ng story ay aking binubuo habang pinagagana ko na ang aking imahinasyon para makabuo ng characters, setting at plot na tutugma sa aking tema. At sisimulan ko na ang pagsusulat, pero depende po kasi sa kalagayan at kung walang pangambala. Kung nasa momentum po ako at mabilis kong nabubuo ang bawat plot ng story ay kaagad ko na itong ginagawa kahit abutin pa ako ng magdamag. Kung wala namang pangambala ay natatapos ko ng ilang linggo o isang buwan iyong story.
Sa ngayon po naging maramihan ang ginagawa ko pero hindi ko naman natatapos kaagad at ito po ay sa dahilang kapag may pumasok ngang ideya sa akin ay nakapagsisimula agad ako ng panibagong story.
Madalas po mga classic novelists, sa atin si Dr. Jose Rizal dahil paborito ko iyong "Noli Me Tangere" at " El Fili.." Sa mga banyaga naman ay si Charlotte Bronte, Anya Seaton, Lewis Carroll, iyong gumawa ng Alice in Wonderland at Through the Looking Glass, si Mark Twain at marami pang iba. Si George Liucas din na gumawa ng Star Wars.
Sa Star Wars medyo may pagkakahawig dahil doon ko ibinase ang aking mga main characters. Nagustuhan ko iyong persona ng mga Jedi kaya nakabuo ako ng mga Pantas. Gayundin sa mga medieval or classic characters gaya ng mga hari, reyna, prinsesa at mga prinsipe.
Madalas po nakikinig ako sa mga gusto ko o paborito kong musika doon ay bumabalik iyong aking momentum, imagination at eagerness na tapusin ang aking nobela nang tuluy-tuloy.
Gaya po nila ay naghangad po talaga akong maibahagi sa iba ang aking ginawa. Mas fulfilling po kasi na ma-ishare ang kuwento at may kabuluhan iyong mga pinaggagawa ko kaysa salirinin ko lamang ito. Mayroon man o walang mag-appreciate nito ay mahalaga nagawa kong ibahagi ito sa iba. Kaya sa mga nagbabalak din ay huwag silang mag-atubili. Lahat naman ay may dahilan at sapat na iyong dahilang iyon upang ipaabot sa iba ang mithiin. Ako man ay amatuer din pero hindi ito hadlang para magawa ko ang aking nais dahil gusto kong higit pang matuto at mahasa ang aking pagsusulat para na rin sa mga mambabasa.
Masayang-masaya dahil may nag-appreciate at tumanggap ng aking novela at na binigyan ako ng pagkakataong maging kabahagi ng FRN. Lubos ko itong pinahahalagahan. Maraming salamat.
Charmz
http://charmingromances.wordpress.com
Simple lang naman ako. Mababaw, haha. Kalog? Minsan mas gusto kong makipag-chat nalang kaysa mag-update. Approachable naman ako. Pramis
2.May mga bagay ka bang parating ginagawa sa iyong pagsusulat?
Madalas kapag nagsusulat ako may nakasaksak na earphone sa tainga ko. Pero wala naman akong pinapakinggan. Haha, props ba? Pero minsan may pinapakinggan naman ako. Dapat din presko ang pakiramdam ko at walang abala. At siyempre, dapat inspired ako at nasa mood.
3.Ano ang dahilan at naisipan mong magsulat ng nobela?
Errrr... dahil sa kapangyarihan ng pag-ibig na nabulok kasi kailangan ko ng outlet. Tapos noong 3rd year highschool ako nagbabasa ako sa fanfiction.net hanggang sa naisipan ko narin na gumawa ng sarili kong istorya. Gumawa ako ng istorya about sa bestfriend ko at sa crush niya. Haha~ may story dn ako sa ff.net.
4.Saan mo nakukuha ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat? Galing ba ito sa sarili mong karanasan?
Sa paligid ko, sa mga nakikita ko at nararamdaman. Minsan sa panaginip. Madalas sa mga karanasan o sa mga naiisip ko. Especially yung Young Love, haha, super galing sa karanasan ba.
Hmmm.. proseso? Wala ata ako nun. Nagsusulat lang ako kung feel ko. Ayoko kasing pilitin ang sarili ko na gawin ang isang bagay na hindi ko feel gawin. So it means na I act based on what I feel. Naks~ haha. Dalawa palang ang natatapos ko na istorya sa buong buhay ko kasi hindi ko naman sila pinapaabot sa mahigit 2,000 words. Inaabot ng buwan bago ako makatapos ng nobela. Minsan taon pa kung hindi ako naiinspire.
Maramihan. Kaya mas lalong nagtatagal bago ako makatapos eh. Haha~
Paborito ko iyong mga writers sa PHR. Especially yung tatlong S. Tingin ko wala naman kaming pagkakapareho kasi super lumeleveling na sila. Haha. Wala akong masyadong hilig sa foreign novels. Go pinoy! Haha.
I take a break from writing. Magbubukas ng facebook, magtatanim, maghaharvest, magseserve ng pagkain. Browse dito, browse doon. Hanggang sa hindi na ako nakapag-update kasi naaliw na ako! Haha. Hihintayin ko na magsawa ako doon or magawa lahat ng dapat gawin tapos magsusulat ako ulit.
Para sa akin hindi naman kailangan na magaling ka magsulat. Basta nasa iyo ang determination na magsulat at confidence oks ka na! Kapag madami-dami ka nang nasulat or matagal ka na nagsusulat, mae-enhance ang skills mo at magbubunga ang effort mo ng bonggang bongga!
Oo naman! Kaso nakurot ako sa singit ng ilang beses bago ako makapagpasa kasi nag-aalala ako na baka walang magbasa ng nobela ko kaya naman tuwang tuwa ako kapag nakakatanggap ako ng koment~ : )
Hanz BriOnEs
http://internetserye.wordpress.com
HONEYBUNCH
http://honeybunchz.wordpress.com
-I'm a very moody person. Kapag maganda ang mood ko makulit ako. Kapag happy naman ang mood ko mapapansin mo sa mga typo ko. Kapag bad mood naman ako tumatahimik lang ako. Mataray daw ako sabi ng mga hindi nakakakilala sakin. Malambing daw ako sabi ng bestfriend at mga friends ko. Maarte daw ako sabi ng mga enemy ko =( Pero iisa lang ang alam ko.... Love ko kayong lahat!
-Sa totoo lang wala akong ibang ginagawa kapag nagsusulat ako ng novela. Nadidistract kasi ako kapag may mga ibang bagay akong ginagawa. Next thing I knew ubos na pala ang oras ko. Kung puwede lang ayoko ng distraction kapag nagsusulat ako. Kapag kasi ang isip ko ay nasa novel na isinusulat ko, Tuloy tuloy na ang daloy ng mga salitang pumapasok sa aking isipan at mas madali para sakin ang maisulat ko na iyon kaagad-agad bago pa ito mawala isipan ko.
-There's a time that I felt so bored and lonely. So I decide to write a novel called "My Love" and before I knew I did it.
When I was 8 yrs old I used to write a dialogue of a two characters and wrote some story in my notebook. From that moment I knew in my heart that I have a desire to be a writer.
-Base na rin siguro sa mga karanasan ko. Sa mga taong nakikita kung nakakaranas kung papano ang mainlove, masaktan, maging malungkot at etc.
-Nakuha ko ang inspiration ko sa pagsusulat dahil sa kasiyahan nakikita ko sa mga taong nakakappreciate ang mga sulat ko. Lumalakas ang loob ko dahil sila ang dahilan ng lahat ng ito. It makes me happy even more kapag nakikita ko silang masaya. Kasi naging tulad din nila akung naghahanap ng mababasa.
-Minsan kasi sa work ko madaming pumapasok na mga story sa isip ko. Dreamer ata ako e, hay ewan ko basta ang alam ko kapag may pumapasok sa isip ko. Hindi ako makatiis na isulat kasi ayaw kung mawala iyon sa isip ko. Gaano ko ito natatapos? It depends kapag hindi ako busy. May araw na talagang tinatamad kang magsulat pero simpre hindi naman umaabot sa isang buwan ang pagsusulat ko.
-Sa ngayon isahan pa lang ang ginagawa ko. Ayaw ko pa ng maramihan dahil baka magkagulo ang story na isusulat ko. Pero darating din tayo sa maramihan. lol.
-My favorite writer is Stephanie Meyer. I like her novel the titled are "Twilight, Eclipse, and Breaking dawn" I don't have the New Moon yet but I was planning to buy that book as soon as they release it.
-Hindi kami magkaparihas.
-Humihinto talaga ako. Inaabot ako isang araw para magisip ng idudugtong ko sa novela. Ang block na iyan mismo ako naiinis kasi biglang mawawalan ako ng isusulat e. Feel ko parang drain na talaga ang utak ko kaya nagrerest mo na ako. At kapag may naisip na akung dapat isulat ay agad agad kong isusulat para hindi mawala sa isip ko.
-Magsulat lang sila. Try and try until you can make it! Sa mga "amateur writers" I don't considered telling them amateur writers (means I don't considered myself to be called amateur writer too.) because every person has a wisdom and knowledge. Isipin natin na kong kaya ng iba kaya ko rin. We are not amateur writer but we are eligible to learn plenty skills of become a successful writer or better person one day. Practice lang ng practice!
-Simpre!!! Special e, hehehe.... "My Love" the very first novel in FRN. It's way better!
LADY MORGANA
http://ladym0rgana.wordpress.com
Im jaine..i live in manila and a college student taking up Financial Accounting
Twenty years of age..
-wala namang kakaiba sakin eh..i am just like other person..
Full of energy..hindi nawawalan ng sasabihin madaldal ika nga..
Likes ko ang magsulat ng magsulat ng nobela..
Hobbies ko na yun since elementary pa lang ako..
Masayahin din akong tao at mahilig akong makisalamuha sa iba
At dream ko ang maging isang magaling na writer someday
Hmmwala namanbasta kapag may naisip akong isang magandang tema, isinusulat ko na agad sunod ayun, derederitso na akong nakapagsusulatthen before I knew it nakagawa na ako ng isang chapter..
-tulad nga ng sinabi koelementary student pa lang ako ay nakapagsusulat na ako ng nobela ako din minsan ang gumagawa ng mga stage play namin noon lagi kasing may nabubuong storya sa isip koewan ko ba kung bakit
-One time nakapagsulat ako base sa sarili kong karanasanpero karamihan puro imahinasyon ko lang
-Sunod meron din sa mga taong nakapaligid sakinlalo na sa mga ugali ng tao.. parang curious ako sa buhay nila in the futureehehe
-ahmako kasi yung tao na kapag nasimulan ko na yung isang nobela, hindi ko na siya tinatantanan hanggat hindi ko siya natataposkaya kahit may trabaho ako sige pa rin ako sa pagsusulat..
-kapag handwritten kasi yung ginagawa koumaabot ako ng mahigit isang buwan bago ko siya matapos
-Kapag computerized naman (I mean typing) umaabot lang ako ng 1-2 weeks para matapos minsan pa nga ay umaabot lang ng day..
(ung una kong nobela sa FRN 5 days ko lang nagawa yun kaso maikli pala yunehehe
Isahan lang ang ginagawa ko kailangang matapos ko muna yung isang nobela bago ako magsimula ulithindi naman kasi mahirap sakin ang gumawa ulit ng nobela after kong matapos yung isakaya kahit gusto kong ipahinga ung utak ko hindi ko magawa kasi meron na naman akong bagong naiisip
-paborito ko si Martha Cecilia
-hindi ko masabing may pagkakaparehas kami kasi iba-iba naman yung iniisip ng tao
-ako naman ayokong magkaroon ng parehas na nobela sa isang nobelistakapag feel kong parang may hawig siya dun sa nabasa kong nobela, iniiba ko na siya
-ito magandakapag wala akong maisip na idudugtong sa storya pinapalagpas ko ang isa o kalahating oras para I refresh kong utak ko.
-minsan naman kumakain ako ng chocolateehehe.. basta kain muna ako ng kain bago ako magsimula ulit.
-wala naman akong masyadong ipapayo kasi tulad nila amateur din ako. Basta kapag may talento ka kailangang pagyamanin mo para maging magaling ka..
-kasi lahat ng tao may talentoat sa pamamagitan nundun ka makikilala ng mga tao kung sino ka ba talaga..
-masayang-masaya proud din ako sa sarili kokasi another achievement yun para sakinparang ito na ung way para maibahagi ko sa iba yung talentong ibinigay sakin ni God
JAINE CARWIN
http://jainecarwin.wordpress.com
a.k.a. BERTA - sobrang selosa pagdating sa mga kaibigan lalo na sa best friend. First impression ng tao sa akin ay mataray at masungit. Ang tunay na ako ay moody, kalog at makulit. Tahimik na matapang at malakas ang loob. Lalo na pagdating sa problema, umiiyak muna ako inilalabas ko iyong sama ng loob ko - after that saka ako lumalaban. Fight ng fight kahit wala ng spirit.
Most of the time tulala parang autistic para pumasok lahat sa utak ko ang gusto kong isulat. Nakikinig ako ng mga lovesongs na related sa story para ma-inspire ako hanggang sa huli na tapusin iyon.
Sa dami ba naman ng mga pocketbook na nabasa ko, mapa-Tagalog man or English, sinabi ko sa sarili why not try something for a change? Instead of being a reader, why not be the writer?
Karamihan ng mga story ko ay bunga ng frustrations sa sarili ko, sa lovelife ko, and what my life should have been. Nilalagyan ko na lang ng twist iyong story.
5.Ano ang mga proseso ng iyong pagsusulat at saan mo nakukuha iyon? Gaano mo rin ba ito natatapos? (umaabot na ito ng taon, buwan , o linggo?)
Kailangan dapat lagi akong may dalang PDA, para kapag may pumasok na idea sa utak ko - any time any place - whenever and where ever - isinusulat ko agad para hindi mawala. Inaabot ako ng buwan kapag sinumpong.
6.Nagsusulat ka ba ng isahan o maramihang nobela?
Maramihan. Kasi minsan kapag tinamad akong pag-isipan iyong story na ginagawa ko, nag-iisip uli ako panibagong story para ma-refresh ang utak ko. Kaya tuloy, hind maiwasan na maglabu-labo iyong mga character at plot ng story.
7.Sino ang paborito mong manunulat? At ano ang masasabi mo, may pagkakapareho ba kayo?
Si Janis Reams Hudson, Catherine Coulter at Heather Graham. Hindi ko masasabi dahil para sa akin ang isang writer ay mayroon dapat sariling identity na kapag nagsulat siya ng story, alam kaagad ng mga readers na siya ang gumawa noon. Trademark kumbaga.
8.Paano mo nalalagpasan ang writers block?
Itinutulog ko na lang
9.Ano ang pwede mong ipayo sa mga amateur o nagbabalak pa lamang magsimulang magsulat ng kanilang nobela?
Magsulat lang ng magsulat. Kapag may bagong idea, isulat agad ng hindi mawala. Kailangan level-headed sa mga bad comments na matatanggap from the readers. Take these negative comments as a challenge para lalong ma-improve ang sarili. Bilang isang tao, nobodys perfect ika nga. But when it comes to craft, practice makes perfect.
10.Masaya ka ba na nakalathala ang naisulat mong nobela sa FRN o hindi?
Super! Abot-tainga ang aking ngiti dahil its a dream come true. Hindi man ma-publish at least I get to share my thoughts with the readers and hoping that they get to learn something from the experiences of the characters in the story.
Life is like a book, everyday is a new page with lessons to learn, adventures to tell and tales of good deeds to remember.
Neo gArDe
Simple, palakaibigan at masayahin.
Hmm? habang nagsusulat po ba?...Nakikinig nang radyo at umiinom nang kung ano.
Gusto ko'ng maibahagi ang iba ko'ng karanasan at feeling ko talaga nung bata pa ako e' storyteller ako. ^_^
Yup. usually based on experiences then i-build up na lang ang idea.
Kung ano lang ang pumasok sa isip ko, yun ang sinusulat ko, then edit na lang to check. actually anytime na may magandang idea na pumasok sa isip ko e' sinusulat ko agad. so ayun anytime nakakasulat ako so mabilis lang ang update ko at kayang matapos nang ilang buwan.
Madamihan e. pero karamihan e' short stories ang sinusulat ko. i love short stories. 6_6
Si Yukio Mishima. japanese writer sya. tingin ko naman e' wala kaming pagkakapareho.
When i write, i expect talaga na hindi 100% ang pagtanggap sa isang sinulat mo. minsan pa nga e' baka walang nagbabasa, but then masaya na din ako na ma-critic ang gawa ko, positive o negative man, at least they tried to read them. ^_^
Magpractice nang mag-practice at mag-observe nang mabuti. walang hindi nakukuha sa magandang simula at pagtityaga.
10.Masaya ka ba na nakalathala ang naisulat mo ng nobela sa FRN o hindi?
Syempre naman po. ^_^ para na din akong nai-publish. pangarap ko yun.
PRINCESS ASUNCION
mahilig akong mag gawa ng story, lalo na kapag inspired ako...simple lang ako, pero kapag nag umpisa ng mag salita matatamaan ka.
ginagawa kong exciting ang story lalo na kapag may solid character ang bida
dahil ito ang isinisigaw ng puso ko, at nakakahanap ako ng satisfaction sa ,mga ginagawa kong story
karamihan galing sa mga taong nakakasalamuha ko
by month natatapos ko... busy kasi sa pag-aaral
karamihan by series pero ngayon stick muna ako sa isang story
Rose tan, siguro may pagkakapareho nga pero hindi ko sya gustong gayahin kasi nga may originality ako
nalalagpasan ko ito sa pamamagitan ng pakikipag kwentuhan ko sa mga malalapit kong kaibigan,or pag-punta ko sa mga hang outs ko
Enjoy the gift, napaka rare ng mga taong nabibiyayaan ng ganyang talento
masaya! sa wakas may makakabasa narin ng mga ginagawa ko tnx!
RESHA
http://iamlovestoned.wordpress.com
1.Tell us more about yourself:
Hmmmahiyain ako, sobra. Sumasakit ulo ko kapag hindi ko suot iyong salamin ko. Im very creative when it comes in writing. Akala ko dati sa arts lang ang talento ko. Iyong mga drawing-drawing, pero sa writing talaga. Tsaka ko na lang napansin na mas naappreciate ko kapag pinupuri ng tao iyong writings ko, instead sa mga drawing.
2.What book/s are you reading right now?
Green Mile/Blood of Flowers/Devil Wears Prada/The Ghost Story/Kapitan Sino
3.What are the reasons you decide to write a novel?
I just want to express my thoughts through writing. It always irritates me when thoughts keep rushing to my mind wherever I am. So to put an end to it, I write them at my blog site. What I meant by thoughts are like the scenes in the continuation of the novel I am writing.
4.Where do you usually get your inspiration in writing? Do you use your own experiences?
I usually get my inspiration from movies, tv shows and novels I read. I can get inspired easily if that thing made my day great. I dont have any experiences in romance. Im way too young to have some. (^.^)v
5.Whats your writing process like? Where do you get ideas? How many hours, days months or years?
It depends if I want to update that novel. If I become interested in writing it again, I can usually update it one or two chapters at a time. If Im not, thenas long as it takes. Hahaha. Kapag napansin ko na ang ikli pa lang ng novel na iyon, dinadagdagan ko bilang awa. Hahaha. May rule kasi ako sa blogsite ko na GIVE CHANCE TO OTHERS. Hinding-hindi ako basta mag-a-update ng isang novel na super haba kapag ung iba maikli palang. Gusto ko pantay-pantay. ^_^
6.Do you work on a single or double manuscript at a time?
Yup. I like the feeling of adrenaline rush in my veins whenever I type with two novels at a time. But if theres a distraction, I can only work with one at a time.
7.Who is your favorite author? Would you say that your writing style is similar to him/her?
Sophie Kinsella and our very own here in the Philippines, Sofia and Sonia Francesca are my favorite authors. I love their writings because they are funny, romantic and beautiful. I love the way they put turning points in their novel especially Sophie Kinsella. I am mostly inspired by her novels and especially with Stallion Riding Club. hahaha
8.How do you deal with writers block?
Kapag may nagpaalala sa akin kung bakit ko nga ba ginagawa ang novel na iyon, titigil na ung writers block ko. Kunyari nakalimutan ko kung ano nga ba iyong naging inspiration ko kung bakit ko ginawa iyong novel na iyon, tapos bigla kong naalala or may nagpaalala, mawawala na. Ganun lang iyong sa akin eh. Or if I can find a new inspiration for that novel, Ill use it. Mostly music can fix my writers block.
9.What piece of advice would you give to amateur or aspiring new writers out there?
Wow. HmmmDont be scared of sharing your thoughts to other people out there. I am sure na maraming tao ang nakaka-relate sa mga ideya na maibibigay mo. Always remember na ang number 1 inspiration talaga ng mga writers are their readers. Hindi naman sila nagsusulat para sila lang ang magbasa eh. Theyre writing for their readers. Kahit iba-iba ang opinions ng mga readers na makakabasa ng novels mo, ayos lang iyon. Wag mo na lang sila pansinin.
10.In all honesty, Are you happy that your novel is/are been out and post at FRN or not?
Yes, of course!
ROJE
Hmm.. I'm roger, just call me Roje (My nickname since college). Tulad lang din ng iba, ako'y simpleng tao lamang ngunit masayahin, mabiro, sabihin nating "malikhain" at malawak ang imahinasyon. Mahilig akong magsulat. Simula pa Grade 6 ay nagsusulat na ako ng mga kuwento (isinulat sa tinahing spiral notebooks, nilagyan ng picture sa harap at title, presto, nobela na). Sayang nga lang at hindi ko nagawang i-preserve ang mga nobelang iyon na halos tatlumpu na.
Wala naman. Basta nakatutok lang ang utak ko sa kuwentong aking isinusulat. Bago ko pa man simulan ang isang nobela ay may "Main story" na talaga akong nakahanda para sa kuwentong iyon. Madalas akong makaisip ng mga kuwento, sa tuwing naglalakbay, sa tuwing nag-iisa at nagmumukmok. Minsan naman, pag nakakita ako ng isang larawan ay may nabubuo rin akong ideya na nauuwi sa isang istorya. Ang kuwento naman kasi ay nasa paligid lamang. Ang utak natin ang tumatanggap at bumubuo nito.
Hobby ko talaga ang magsulat. Pakiramdam ko'y nawawala ang suliranin ko sa tuwing hahawak ako ng panulat at mag-umpisang isa-pahina ang bawat eksenang nasa isip ko, mga eksenang bumubuo sa isang kuwento. Tumatawid ako sa realidad ng buhay at tumutuntong sa mismong kuwentong aking isinusulat. Masarap sa pakiramdam...
Ang iba ay sa sariling karanasan, ang iba'y hango sa karanasan ng ibang tao. May ilan na inspirado sa mga napanood o nabasang istorya. Pero karamihan ay kathang isip ko lamang. Parang bigla na lang mabubuo sa isip ko. Hangga't maaari naman ay nais kong magsulat ng orihinal, 'yung tipong pag nabasa ng mga mambabasa ay tatatak sa isip nila na si "roje" ang gumawa nito, "Internet serye" 'yan.
Noon ay nakakatapos ako ng isang nobela sa loob lamang ng dalawang araw. Depende rin kasi sa pagtutok mo sa pagsusulat, at depende rin sa pagnanais mo na matapos ito, maisulat ang mahalagang tema ng kuwento at magawa ito ng maganda. Ngayon sa Internet Serye site, sabay-sabay ko silang isinusulat. Wala rin akong proseso sa pagsusulat. Pag hawak ko na kasi ang panulat at papel ay dire-diretso na rin ako. Pero sa ngayon, limitado. Hangga't maaari kasi ay gusto kong makasulat ng ilang kabanata ng bawat kuwentong tampok ko sa site ko. Para na rin sa kahilingan ng mga mambabasa.
Noon ay isahan lang, pero ngayon ay maramihan. Okey naman, malapit na akong masiraan ng ulo ahahaha joke :)
Si ricky Lee ang isa sa paborito kong manunulat. Hindi kasi siya baduy gumawa ng mga twist. Pagkakapareho? Naku, marami pa akong kakaining bigas bago ako maikumpara sa isang tulad niya. Gusto ko rin si J.K.Rowling na lumikha ng Harry Potter.
8. Paano mo nalalagpasan ang writers block? Konting pahinga lang ang katapat. kawawang utak ahahahaha :) Minsan makikinig ng music, nood TV. Tamang pahinga lang talaga. "Di naman nawawala sa utak ko 'yung ideya, eh. Pero pag exciting na ang naiisip kong suusnod na eksena, 'di uso sa akin ang writer's block :)
Just write. Kung ano 'yung naiisip mo ay isulat mo. Dapat lang ay may "main story" ka na. Ang mga eksena'y dapat pagtagni-tagniin ng tama papunta sa higlights upang maipakita at ma-express ang tunay na aral at ideya ng kuwento mo, hanggang sa ito ay matapos ng maayos. Mas ok kung mabibigyan mo ito ng ilang mga twist na magbibigay ng kulay sa kuwento pero hindi lalayo sa istorya. Huwag tayong matakot na i-bend ang reality. Huwag matakot lumagpas sa borderline ng pagsusulat, well, wala namang borderline ang pagsusulat, eh. :) ehehehehe
Oo, sobrang saya po. Isang malaking karangalan ang mapasama sa isang grupo ng manunulat na ganito na nagpopromote ng talento ng mga amateur writers na katulad ko. Isang magandang paraan ito upang mas marami ang makabasa ng aking mga likha. Muli ay maraming salamat sa pagtanggap nyo sa akin.
Yrish
http://mydarkinspiration.wordpress.com
Mahilig ako sa mga romance novels at movies. Mahiyain din akong tao pero super daldal ko naman pagdating sa mga close friends and cousins ko. Mahilig akong gumala, to travel around the world is my greatest dream. I want to spent my long time vacation somewhere in Europe. Mahilig kasi ako sa mga artifacts at ruins.
I usually listening to the music while writing a story. Inspired kasi ako kapag nakikinig sa mga songs. Kung hindi man ay naglalaro ako ng PC games para ma-refresh ang utak ko.
Mahirap man aminin pero na-iinggit ako sa mga magagaling na writer kaya ayon nagdecide akong gumawa ng sarili kong nobela. I really admire them.
Iyong iba ay from my own experienced but mostly ay galing sa mga songs na napapakinggan ko.
Depende naman yan sa tao eh. Sa ngayon hindi ako gaano busy kaya three to four days bago ko matapos ang nobela ko. Pero kapag busy na siguro ako baka months na ang abutin.
I usually work one at a time pero kapag may pumapasok na ideya sakin pinagsasabay ko na.
Marami akong paboritong writer tulad na lang nila Stephenie Meyer, Michael Scott, Michael Carroll, at A.J Lake. Malayong-malayo ako sa kanila. They are unique and very talented. They have raw talent on writings samantalang ako marami pang kakaining bigas.
Pahinga lang ang kailangan. Try to refresh your mind by doing other things and you will see may papasok na lang na ideya to your stories.
Huwag kayong ma-discourage na sumulat kahit gaano pa kasimple iyang nobela niyo atleast pinaghirapan at pinag-isipan niyo ng maigi.
Super saya ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na bahagi na ako ng FRN. Hanggang sa pagtulog ay nakangiti pa rin ako. More powers to FRN. Thank you so much for this oppurtunities.
Buklatin lamang ang bawat
pahina upang mabasa ang
nilalaman ng manunulat.
Copyright © 2009-2010 Filipino Romance Novel FRN All rights reserved.