Punung-puno ka ba ng kuwentong pag-ibig sa iyong buhay? Ikaw ba ay isang closet writer at gusto mong ilabas kung ano ang iyong nasa isip? o di kaya naman ikaw ay isang amateur at aspiring writer ngunit nahihirapan kang ilathala ang iyong akda at kailangan mo ng exposure?
Ito na ang pagkatataon mong ilabas at ibahagi ang iyong talento! Halina't samahan natin ang mga kapuwa natin manunulat at hasain ang kakayahan at magtagumpay sa mundo ng literaturang Pilipino!
Malugod pong inaanyayahan ng Filipino Romance Novel o FRN, isang free organization na tumutulong sa mga baguhang manunulat na mailathala ang kanilang mga likhang-kuwento na magpasa po ng inyong manuscript dito sa:
filipinoromancenovel_yahoo.com.
Ang iyong akda ay dapat naglalaman ng kuwento ng pag-ibig, mapa-aksiyon man o thriller.
Kung mayroon ka na nito, ipasa ang manuscript sa .doc o di kaya sa .docx format, Times New Roman 12, single space at naglalaman ng minimum 24000 words.
Kung hindi maabot ang standard na ito, at nais mo pa ring magpasa ng iyong nobelang incomplete, maaring makipag-ugnayan po sa FRN Administrator.
Ang inyong akda ay dadaan sa isang screening ng FRN Administrator at editors.
Umaasa ang FRN at ang mga bumubuo nito na makita ang inyong pangalan sa author's list at ang inyong akda sa bookshelf.
Maraming salamat po!